Malanding Tomboy — the Cartz Udal Episode
Sa episode na ito, makakasama natin si Cartz Udal, mas kilala ng marami bilang Malanding Tomboy.
Ipinanganak at lumaki sa Baclaran, ngayon ay may mahigit 2 million followers na siya sa iba't ibang social media platforms. Mula sa paggawa ng content, nakapasok siya sa showbiz bilang cast ng Bubble Gang ng GMA at naging bahagi rin ng Netflix series na The Master Cutter kasama si Dingdong Dantes.
Pero bago ang mga followers, TV appearances, at mga tagumpay, marami muna siyang pinagdaanan.
Paano nagsimula ang lahat? Ano ang mga hirap na kinaharap niya? At sino nga ba talaga si Cartz Udal sa likod ng karakter na nakilala ng milyon-milyong tao?
Panoorin ang buong kwento sa episode na ito.