Episode 08

Kwento ng Seaman — the Ryan Vigil Episode

1:37:48 With Beng & Yen and Ryan Vigil

Hindi lahat ng tagumpay, diretso ang daan.

Sa episode na ito ng Built Different, Pare, kasama namin ang kababata at kaklase namin mula elementary hanggang high school, si Ryan Vigil. Kabababa lang niya ng barko nang magkwentuhan kami, kaya sariwa ang lahat ng kwento.

Binalikan namin ang mga araw na magkaklase pa kami. Mga kalokohan, memories, at mga pangarap na hindi pa namin alam kung saan dadalhin. Pero habang tumatanda, nag iba ang laban.

Napag usapan namin ang buhay niya matapos ang graduation. Ang mga hirap sa college. Ang pagtatrabaho sa fast food at call center habang hinahabol ang pangarap. Ang pagpasa sa board exam bilang Engineer. At ang desisyong sumakay ng barko para mabigyan ng mas magandang buhay ang sarili at pamilya.

Isa itong kwento na nagpapaalala na hindi pare-pareho ang timeline ng bawat tao. Minsan kailangan mong magsimula sa trabahong hindi mo pinangarap para makarating sa trabahong ipinagdarasal mo.

Kung estudyante ka, fresh graduate, naghahanap ng direksyon, o gusto mo lang makarinig ng totoong kwento ng sipag, tiyaga, at sakripisyo, para sa'yo ang episode na ito.

Pakinggan ang buong episode at samahan kaming balikan ang kwento ng isang ordinaryong estudyante na unti unting binuo ang pangarap hanggang makarating sa gitna ng karagatan.

  • #BuiltDifferentPare
  • #BDPare
  • #PodcastPH
  • #FilipinoPodcast
  • #SeamanLife

All 8 episodes →