Episode 03

Batang Pasaway — the JC Ang Episode

1:37:35 With Beng & Yen and JC Ang

Bawat "batang pasaway" may kwento.

Sa Episode 3 ng Built Different, Pare, kasama namin ang kauna unahan naming guest na minsang tinawag na problem child. Nakatatlong school. Dalawang beses na kick out. Nambuhos ng softdrinks sa kaklase. Binagsakan ng water dispenser ang teacher. Umabot pa sa puntong humarap siya sa korte habang bata pa.

Pero hindi doon nagtapos ang kwento.

Napag usapan namin kung paano naaapektuhan ng pagpapalaki, environment, at mga karanasan sa buhay ang direksyon ng isang tao. At kung bakit minsan, may mga bagay na hindi nakikita ng iba sa likod ng pagiging "pasaway."

Hindi ito kwento para gawing tama ang maling ginawa.

Isa itong kwento ng pag intindi, pagbabago, at pagbawi sa buhay.

Kung magulang ka, anak, o may kakilala kang minsang tinawag na "batang pasaway," baka may mapulot kang aral sa episode na ito.

Pakinggan ang buong episode at alamin kung bakit hindi lahat ng kwento ay dapat hinuhusgahan sa umpisa pa lang.

  • #BuiltDifferentPare
  • #BDPare
  • #PodcastPH
  • #FilipinoPodcast
  • #BatangPasaway

All 8 episodes →